-- Advertisements --

Patuloy na nakabantay ang mga doctor sa lagay ng kalusugan ni Pope Francis.

Ayon sa Vatican, na stable na ang kondisyon ng 88-anyos na Argentinian Pope at binabantayan nila ang prognosis ng kaniyang kalusugan.

Hindi rin tumitigil ang kaniyang gamutan kabilang ang respiratory physiotherapy.

Pinagpapalitan din ng mga doctor ang non-invasive mechanical ventillation sa gabi at high-flow oxygen therapy sa araw sa pamamagitan ng nasa cannula.

Dagdag pa ng Vatican, na tuwing umaga ay naglalaan ang Santo Papa ng 20 minuto na pagdarasal sa chapel na matatagpuan sa ika-10 palapag ng Gemeli Hospital.

Sa maghapon aniya ay binibigyan ng atensyon ng Santo Papa ang ilang trabaho sa kaniyang opisina.

Magugunitang nitong Biyernes ay naglabas ng audio message ang Santo Papa sa kauna-unahang pagkakataon kung saan pinsalamatan niya ang mga nagpaabot ng pagdarasal para sa mabilisang paggaling nito.