-- Advertisements --

Nanatiling stable na ang lagay ng kalusugan ngayon ni Pope Francis.

Ayon sa Vatican, na walang naranasan sa loob ng isang araw ng anumang respiratory failure o bronchospasm ang 88-anyos na Argentinian Pope.

Tuloy-tuloy din ang pagtanggap niya ng high-flow oxygen therapy at respiratory therapy.

Itutuloy din mga doctor nito ang paglagay ng non-invasive mechanical ventillation.

Nagigigin alerto naman ang Santo Papa sa mahigit dalawang linggo na nitong pananatili sa Gemelli Hospital sa Rome.

Tuloy-tuloy din ang ginagawang vigil sa Vatican para sa agarang pagpapagaling ng Santo Papa.