-- Advertisements --

Nananatiling stable pa rin ang lagay ng kalusugan ni Pope Francis.

Ayon sa Holy See Press Office, na tinawagan pa nito ang Catholic Parish sa Gaza at isinagawa ang ilang trabaho.

Sa loob ng dalawang araw ay wala na itong anumang problema sa kakulangan ng paghinga.

Nagpapatuloy pa rin ang paglalagay ng high-flow oxygenation at non-invasive mechanical ventillation.

Dinagdagan din nila ang respiratory at active motor physiotherapy.

Sa buong araw ay nananatili itong nakaupo sa kaniyang silya.

Binasa naman na ni Cardinal Angelo De Donatis ang naging mensahe ng 88-anyos na Santo Papa sa Ash Wednesday.