Nanawagan si Pope Francis na mas paigtingin pa ng mga bansa ang mas matuwid at pantay-pantay na lipunan sa lahat sa oras na matapos na ang coronavirus outbreak.
Ayon sa santo papa, kinakailangan na ring kumilos ng bawat indibidwal para tuluyan nang wakasan ang kahirapan na tinatamasa ng milyun-milyong tao sa bawat panig ng mundo.
Sa kaniyang video message para sa pagdiriwang ng feast of Pentecost sinabi nito: “Once we emerge from this pandemic, we will not be able to keep doing what we were doing, and as we were doing it. No, everything will be different,”
“From the great trials of humanity — among them this pandemic — one emerges better or worse. You don’t emerge the same. I ask this of you: how do you want to come out of it? Better or worse?”
Nais din ng santo papa na buksan ng bawat isa ang kanilang puso at isip upang matutunan ang isa sa pinakamahalagang aral sa gitna ng krisis, “We are one humanity,” ani Pope Francis.
“We know it, we knew it, but this pandemic that we are living through has made us experience it in a much more dramatic way,”
“All the suffering will be of no use if we do not build together a more just, more equitable, more Christian society, not in name but in reality,” dagdag pa nito.