-- Advertisements --
Hinikayat ni Pope Francis ang mga mananampalataya na ipagdasal ang mga biktima ng Hurricane Dorian sa Bahamas.
Ayon sa Santo Papa na maraming mga residente ng Bahamas ang nawalan ng kabahayan.
Mahalaga ang pagdarasal sa mga biktima para sa kanilang pagbangon matapos ang bagyong dumaan.
Sinambit ng Santo Papa ang pahayag ng kapanayamin ng mga mamahayag habang patungo sa Mozambiqui isa sa tatlong lugar sa Africa na nakatakdang bisitahin nito ngayong linggo.
Magugunitang nag-iwan ng limang katao ang patay at maraming kabahayan ang nasira sa pananalasa ng category 5 Hurricane Dorian.