-- Advertisements --
Nananawagan si Pope Francis sa mga mamamayan na huwag masyadong gumastos sa mga pagdiriwang at regalo ngayong kapaskuhan.
Sa kaniyang mensahe sa lingguhan misa sa Vatican, sinabi nito na ilaan na lamang pera sa mga mamamayan ng Ukraine na naiipit sa giyera dahil sa paglusob ng Russia.
Dagdag pa nito na walang masama sa pagdiriwang ng Kapaskuhan subalit nararapat na magkaroon ng tipid sa paggastos.
Nararapat na magkaroon ng mapagkumbabang pagdiriwang para maibigay sa Ukraine ang anumang perang matitipid.
Magugunitang aabot na sa 10 buwan ang nagaganap na giyera sa Ukraine kung saan maraming sibilyan na ang nasawi at nadamay.
Makailang ulit na ring ipinagdasal ng Santo Papa ng kalagayan ng mga taga Ukraine na labis na dumaranas ng kahirapan.