-- Advertisements --
Nagpaalala si Pope Francis sa mga mananampalataya na ilayo ang kanilang mga cellphone tuwing kumakain at makikipag-usap ng personal.
Ipinahayag ito ng Santo Papa sa kaniyang misa sa St. Peter’s Square sa Vatican kasabay ng pagdiriwang ng Feast of the Holy Family.
Aniya, na dapat bumalik ang mga tao sa pakikipag-ugnayan ng personal lalo kung sila ay pamilya.
Ikinalungkot din nito na pati mga pari o obispo ay gumagamit na rin ng mga cellphone habang sila ay nasa loob ng simbahan.