VATICAN CITY – Nag-alay ng dasal si Pope Francis para sa mga biktima ng nangyaring pagsabog sa isang migrant center sa Libya noong nakaraang linggo.
Kasabay nito, nanawagan ang Santo Papa ng aksyon upang lumikha ng mas malawak na humanitarian corridor para sa mga migrants.
“The international community cannot put up with such grave acts,” wika ng Catholic pontiff sa kanyang lingguhang Angelus sa Rome.
Nitong nakaraang Martes nang tamaan ng air strike ang isang detention center housing sa Tripoli kung saan naroon ang karamihan ng mga African migrants.
Nag-iwan ng dose-dosenang patay at maraming mga sugatan ang naturang pangyayari.
Samantala, nanawagan din ng dasal si Pope Francis sa mga naiipit sa mga pag-atake sa Afghanistan, Mali, Burkina Faso at Niger. (Reuters)