-- Advertisements --

Nanawagan si Pope Francis sa mga mananampalataya na protektahan ang kalikasan.

Sa kaniyang mensahe sa ika-50 anibersaryo ng Earth Day nitong Abril 22, pinuri niya ang mga environmental movement dahil natuturuan ang mga kabataan sa kahalagahan ng pag-alaga sa kalikasan.

Isinagawa nito ang mensahe sa kaniyang library dahil sa ipinapatupad na lockdown.

Iginiit din nito na hindi mapapatawad ng kalikasan ang mga ginagawang kasalanan ng mga tao na sumisira sa mga dito.

Kilala rin ang Santo Papa na nangunguna sa kampanya sa pangangalaga ng kalikasan.