-- Advertisements --

Nanawagan muli si Pope Francis ng mga humanitarian corridors para may madaanan ang mga kakailanganin ng mga sibilyang naiipit sa gulo sa Gaza strip.

Tinawag kasi ng United Nations ang pagkakaroon ng humanitarian crisis sa Gaza matapos putulin ng Israel ang suplay ng tubig, kuryente at pagkain hanggang hindi palayain ng mga Hamas militants nag kanilang mga bihag.

Sa kaniyang misa sa Vatican sinabi ng Santo Papa na dapat igalang ang humanitarian law.

Hindi nararapat na maging biktima ang mga bata, may-sakit at lahat ng mga sibilyan sa nangyayaring kaguluhan sa Israel.

Magugunitang aabot na sa mahigit 1,400 na Israels ang nasawi habang mahigit 2,300 katao na ang nasawi sa ginawang pagbomba ng Israel sa Gaza.