-- Advertisements --
Nagpahayag ng pagkabahala si Pope Francis sa nagaganap na kaguluhan sa Afghanistan.
Sa kaniyang linguhang Angelus sa Vatican, nanawagan ito ng mapayapang pag-uusap sa nasabing bansa.
Hiniling niya sa mga mananampalataya na ipagdasal ang mga mamamayan ng Afghanistan.
Magugunitang malaking lugar sa Afghanistan ang nasakop na ng Taliban matapos ang pagtanggal ng US ng kanilang mga sundalo sa nasabing bansa.