-- Advertisements --

Nanawagan ng pagdarasal si Pope Francis sa mga biktima ng pambobomba sa sa Somaila.

Isinabay ng Santo Papa ang pahayag sa kaniyang misa na isinagawa sa Vatican.

Tinawag nito ang pangyayari na isang nakakatakot at nakakabahala dahil maraming inosenteng buhay ang nadamay.

Magugunitang pinasabog ng bomber ang truck na may bomba sa isang security checkpoint kung saan umabot sa 39 katao ang patay at marami ang nasugatan sa Mogadishu, Somalia.