-- Advertisements --
Nanawagan si Pope Francis ng pagtigil ng kaguluhan sa Gaza.
Sa kaniyang paglabas sa pagamutang matapos ang mahigit na isang buwan sa pagamutan ay hindi niya nakalimutan na ipagdasal ang mga apektado ng giyera sa Gaza.
Mahalaga aniya na magkaroon ng mapayapang pag-uusap sa bawat panig.
Ang nasabing panawagan ay kasunod na muling pag-atake ng Israel sa Gaza matapos ang unang ipinatupad na ceasefire deal.
Nagpasalamat naman ang 88-anyos na Santo Papa sa mga nagpaabot ng kanilang pagdarasal para sa agarang paggaling nito.
Sinabi ng kaniyang doctor na si Dr Sergio Alfier na kahit hindi buong magaling na ang Santo Papa ay wala naman na itong pneumonia kaya pinayagan na nila itong makauwi.