-- Advertisements --
Nanawagan si Pope Francis ng pagdarasal para matigil na ang nagaganap na civil war sa Libya.
Isinagawa nito ang panawagan sa kaniyang talumpati sa St. Peter’s Square, kung saan labis itong nasaktan sa mga nagaganap na kaguluhan sa Libya.
Mula noong mapatalsik sa puwesto si Muammar Gaddafi noong 2011 ay hindi na natigil ang kaguluhan.
Mahigit limang taon na ng magkalabang mambabatas sa parliyamento at ang kalsada na kontrolado ng mga armadong grupo na naghahasik ng kaguluhan.
Hinikayat pa nito ang mga international bodies na may political at military responsibilities na irestart ang kanilang convictions at resolbahin at maghanap ng paraan para matigil na ang kaguluhan.