Iminungkahi ni Pope Francis sa ilang bansa na huwag gawing biro o laro ang usaping pagbibigay ng armas sa Ukraine pagkatapos ay aatras sa kanilang mga pangako.
Inihayag ito ng Santo Papa sakay ng eroplano pabalik mula sa isang trip sa French port city ng Marseilles. Ito ang kanyang naging tugon sa tanong tungkol sa kung siya ba ay nakakaramdam ng kabiguan ngayong ang kanyang mga pagsisikap na magkaroon ng kapayapaan ay hindi nagtagumpay.
Aniya, nakaramdam siya ng pagkabigo at kasabay nito ang pagbibigay niya ng pahayag tungkol sa industriya ng armas at digmaan.
Ayon kay Pope Francis, “It seems to me that the interests in this war are not just those related to the Ukrainian-Russian problem but to the sale of weapons, the commerce of weapons,”
Dagdag pa niya, “We should not play games with the martyrdom of this people. We have to help them resolve things … I see now that some countries are moving backwards, not wanting to give (Ukraine) arms. A process is starting in which the martyr certainly will be the Ukrainian people and that is an ugly thing,”