-- Advertisements --
Nanawagan si Pope Francis sa mga bansa na dapat huwag kalimutan ang mga mahihirap kapag mayroon ng bakuna laban sa COVID-19.
Sinabi ng Santo Papa, nakakalungkot na mas mabibigyan ng prayoridad ang mga mayayaman kung ang pag-uusapan ay vaccine sa coronavirus.
Iminulat din kasi ng pandemya na napag-iiwanan ang mga mahihirap.
Nanawagan na lamang si Pope Francis na dapat puksain ang tunay na virus gaya ng “social injustice, inequality of opportunity, marginalisation” at kakulangan ng proteksyon para sa mga mahihina.