-- Advertisements --
Nanawagan si Pope Francis sa mga bansa na dapat iprayoridad ang mga mahihirap kapag mayroon ng bakuna laban sa coronavirus.
Sa kaniyang video address sa United Nation General Assembly, na sakaling magkaroon na ng bakuna sa COVID-19 ay dapat unahin ang mga pinakamahirap sa buhay.
Pinayuhan din nito ang mga mayayamang bansa na dapat ay huwag silang magtago ng mga COVID-19 na bakuna at makibahagi sa panawagan ng World Health Organization sa “vaccine nationalism” na nag-uudyok sa mga bansa na makibahagi sa pandaigdigang pakikipagtulungan para sa paggawa ng bakuna.
Magugunitang nasa mahigit 150 na bakuna na ang ginagawa na sa buong mundo kung saan halos 20 na dito ay sumasailalim na sa final stage ng clinical trials.