-- Advertisements --
Nanawagan si Pope Francis sa pagbabawal ng “lethal autonomous weapons”.
Ito ang naging laman ng kaniyang talumpat sa pagdalo niya sa G7 Summit sa Italy.
Siya lamang ang kauna-unahang pinuno ng Romano Katoliko na dumalo sa Group of Seven meeting.
Sinabi nito na mahalaga na maging tapat ang mga bansa na huwag gumamit ng anumang armas na kikitil ng buhay lalo na ngayong panahon na talamak ang pananalasa ng “Artificial Intelligence”.
Ang G7 ay binubuo ng mga bansang Canada, France, Germany, Italy, Japan, United Kingdom at United States kung saan sinabi nila na ang magandang tulong ngayon ng AI ay nagsusulong ng progreso at development sa pangkalahatan.