Nanawagan si Pope Francis sa mga gobyerno at maging sa mga pharmaceutical industry na kumilos upang makakuha ng mga bakuna laban sa mpox virus lalo sa mga bansang pinakamalubhang naapektuhan.
Hinimok ng Santo Papa ang mga gobyerno at private industry na magbahagi ng teknolohiya at available treatments upang walang sinuman aniya ang kulang sa angkop sa pangangalagang medikal.
Isinama din ni Pope Francis sa kanyang weekly prayers ang mga biktima ng naturang virus partikular ang Democratic Republic of Congo.
Idineklara ng World Health Organization ngayong buwan na global health emergency
ang pagtaas ng mga kaso ng mpox mula sa Democratic Republic of Congo patungo sa ibang mga bansa sa Africa.
Nanawagan din ang WHO para sa mas malawak na produksyon at pagbabahagi ng mga bakuna kontra mpox virus.
Ang virus ay kumalat sa Democratic Republic of Congo, na ikinasawi nang humigit 570 katao sa taong ito.
Naiulat na rin ang outbreak ng virus sa Burundi, Kenya, Rwanda at Uganda mula noong Hulyo.
Ang unang kaso sa Europe ay naiulat sa Sweden noong nakaraang linggo.
Maaari namang kumalat ang virus mula sa mga hayop patungo sa mga tao ngunit maaring tao sa tao sa pamamagitan ng close physical contact.