Nanawagan si Pope Francis sa gobyerno ng Timor Leste na protektahan ang mga bata laban sa lahat ng uri ng pang-aabuso.
Ito ang naging mensahe ng Santo Papa sa pagdating niya sa Dili, ang capital ng Timor Leste.
Tinawagan niya ng pansin ang mga tao na gawin ang lahat ng pamamaraan para maiwasan ang anumang uri ng pang-aabuso.
Marapat na magarantiyahan na magkaroon ng mapayapang buhay ang mga bata.
Bagama’t wala itong binabanggit ay noong dekada 80 at 90 ay may ilang kilalang obispo sa Timor Leste ang inakusahan ng pang-aabuso sa mga kabataan.
Nakatakda namang makasalamuha ng Santo Papa ang mga biktima ng pang-aabuso.
Ang Timor-Lest ay siyang tanging Catholic-majority na bansa na bibisitahin ng Santo Papa sa kaniyang 12-araw na Asia-Pacific tour.
Nasa 700,000 katao kasi o mahigit sa kalahati sa populasyon ng Timor Leste ang inaasahan na dadalo sa kaniyang misa ngayong araw.