-- Advertisements --

Hinikayat ni Pope Francis ang mga mananampalataya na iwasan ang social media at ituon ang atensiyon sa pagdarasal.

Ito ang naging laman ng kaniyang homily sa misa niya sa Vatican nitong Ash Wednesday.

Sinabi ng 87-anyos na Argentinian Pope na mahalaga na magnilay ang mga tao lalo na ngayong panahon na Semana Santa.

Dagdag pa nito na ang buhay ay hindi puro laro dahil sa ang Kuwaresma ay isang imbitasyon na tayo ay bumaba at magbalik na may pagmamahal.