-- Advertisements --
Nanawagan si Pope Francis sa mga gumagawa ng mga armas na tumigil na.
Ito ang naging panawagan niya sa misa na isinagawa sa military cemetery sa Rome kasabay ng All Soul’s day.
Sa nasabing sementeryo ay doon inilibing ang nasa 1,900 ng mga French at Moroccan soliders na nasawi noong World War 2.
Nag-alay din ang Santo Papa ng puting rosas at nagdasal sa isang puntodo ng unknown soldier na nasawi sa France noong 1944.
Makailang beses din itong nananawagan sa mga bansa na tanggalin na ang kanilang nuclear weapons dahil sa ito ay lubhang mapaminsala sa mga tao at ang laging nabibiktima ay mga kabataan.