-- Advertisements --

Muling nanawagan si Pope Francis na wakasan na ang tunggalian sa buong mundo, mapa-political, social, o military, lalong-lalo na sa mga bansang Ukraine, Syria, Yemen, Lebanon, Armenia, at Azerbaijan.

Dapat aniya’y magkaroon na ng agaranng ceasefire at tigilan na ang kakila-kilabot na pag-hostage sa mga inosenteng sibilyan.

Kasabay ng pagdiriwang ng pasko, ikinalungkot ng Santo Papa ang tinawag niyang “desperate humanitarian situation” ng mga Palestinian sa Gaza. Sana raw ay magkaroon na ng humanitarian solution para matapos na ang gulo sa mga nabanggit na bansa.

Sa talumpati ng Santo Papa sa St. Peter’s Basilica sa Vatican, nangangamba ito kung ilang inosenteng buhay pa ba ang mamamatay dahil sa walang tigil na giyera at ilang bata pa ang mapagkakaitan ng kanyang pagkabata dahil sa putukan.

Hangad din ng lider ng Simbahang Katolika na magkaroon ng imbestigasyon sa kalakalan at komersyo ng mga kagamitang-pandigma. Aniya, paano magkakaroon ng mapayapang pag-uusap kung patuloy na tumataas ang produksyon at bentahan ng mga armas.

Sa huling tala, 20,424 na ang naiulat na mga Palestiniang namatay kung saan karamihan ay mga babae at mga bata at mahigit 54,000 naman ang sugatan.

Samantalang mahigit isang libo naman ang nasawi sa Israel.