-- Advertisements --

Nangako si Pope Francis na mamimigay ng $114,000 o halos P6-M para sa mga biktima ng bagyong Odette.

Ayon sa Vatican na labis na nalungkot ang Santo Papa sa nangyaring pananalasa ng bagyo.

Noong Disyembre ay isinama na rin ng Santo Papa sa kaniyang misa ang mga kalagayan ng mga biktima ng nasabing bagyo.

Magugunitang aabot na sa mahigit 400 katao ang nasawi sa nasabing bagyong Odette na tumama sa Surigao del Norte, Dinagat Island, Cebu at Palawan.

Mahigit dalawang milyong pamilya ang apektado sa 11 rehiyon at 38 probinsiya sa malaking bahagi ng Visaya at Mindanao.