-- Advertisements --

Pinangunahan ni Pope Francis ang beatification ni Pope John Paul I.

Ang namayapang Pope John Paul I ay namuno sa Roman Catholic Church sa loob ng 33 araw noong 1978.

Ginanap ang beatification sa St. Peter’s square na ang nasabing seremonya ay siyang huling hakbang na lamang para tuluyang maging santo ang isang tao.

Noong nakaraang taon kasi ay pinuri ng Pope Francis ang namayapang Santo Papa matapos na mapagaling nito sa pamamagitan ng milgro ang isang 11-anyos na batang babae sa Argentina.

Nagdasal kasi ang mga magulang nito kay Pope John Paul 1 at ito ay gumaling.

Kailangan lamang ang isang pang milagro para tuluyan ng maging santo si Pope John Paul 1.

Tinawag na “smiling Pope” si John Paul I ay siyang pinakaikling nagsilbing santo papa mula noong 1605.

Isinilang si John Paul I sa Albino Luciani na anak ng isang bricklayer sa Dolomite mountain ng Italy.

Sa kaniyang paninilbihan ay ipiangtanggol niya ang Roman Catholic Church sa paglaban nito sa abortion at contraception at humiling ng reporma sa institusyon para malabanan ang kurapsyon.

Namatay ito dahil sa atake sa puso noong Setyembre 28, 1978.

Naging kontrobersyal pa ang pagkamatay nito noon kung saan sinabi ng Vatican noona na natagpuan ang bangkay nito ng dalawang madre subalit lumabas sa inisyal na imbestigasyon na isang pari ang nakadiskubre na nananakit na ang dibdib ng namayapang Santo Papa.

Sa loob ng 1,000 taon ay walong Santo Papa lamang ang naging Santo.