-- Advertisements --

VATICAN CITY – Pinangunahan ni Pope Francis ang ilang libong mga nananampalataya sa Via Crusis sa Colleseum ng Rome.

Isa ang mga kabataang biktima ng pang-aabuso sa mga ipinalangin nina Pope Francis habang isinasagawa ang Stations of the Cross.

“Lord Jesus, help us to see in Your Cross all the crosses of the world … the cross of little ones wounded in their innocence and in their purity,” saad ng Santo Papa.

Ipinalangin din nito ang Simbahang Katolika na nakakaranas ng pag-atake at pang-aabuso.

Ang meditations naman para sa Way of the Cross ngayong taon, na isinulat ni Sister Eugenia Bonetti, founder of “Slaves No More”, ay naglalaman ng mga reflections sa paghihirap na kailangan tiisin ng mga biktima ng human trafficking.

“Like the young girl with a slim body we met one evening in Rome while men in luxury cars lined up to exploit her. She might have been the age of their own children,” ang meditation sa sixth station.

Personal na pinili ni Pope Francis si Sister Bonetti para magsulat ng mga meditations para sa Stations of the Cross ngayong taon.

Si Bonetti, 80-anyos, ay isang Consolata Missionary Sister mula northern Italy, na tumutulong sa mga babae doon na biktima ng prostitusyon at human trafficking.