-- Advertisements --
Dumating na sa Iraq si Pope Francis para sa kaniyang apat na araw na pagbisita.
Ito ang unang pagbisita sa ibang bansa mula ng magsimula ang coronavirus pandemic.
Sinalubong siya ni Iraqi Prime Minister Mustafa al-Kadhimi pagkalapag ng eroplano nito sa paliparan.
Nagkaroong ng red carpet welcome ang Santo Papa kasabay ng pagkanta ng mga choirs.
Umaabot sa mahigit 10,000 na mga security forces para bantayan ang Santo Papa.
Nakalinya naman sa daan ang ilang daan na tao para masilayan si Pope Francis.
Sa kaniyang talumpati ay nanawagan si Pope Francis ng pagtatapos na kaguluhan sa bansa.