-- Advertisements --

Ginawa ni Pope Francis ang kanyang unang paglabas sa publiko matapos ang mahigit limang linggo, nitong Marso 23, nang mag-wave siya mula sa isang balkonahe sa ospital ng Gemelli sa Rome bago siya bumalik sa loob ng silid.

Maalalang ang 88-taong gulang na Santo Papa ay dinala sa ospital noong Pebrero 14 dahil sa isang malalang impeksyon sa baga na naging sanhi ng paghina ng kalusugan nito sa loob ng kanyang 12-taong pagiging Santo Papa.

Sinabi ng mga doktor ng Santo Papa noong Sabado na kakailanganin pa ng “maraming panahon” upang ganap na lumakas ang kanyang katawan, at ipinag-utos din ng mga ito na mag-papahinga pa siya ng dalawang buwan sa Vatican.

Nagpakita si Francis sa balkonahe ng ospital bandang tanghali ng Linggo. Gamit ang wheelchair, tulad ng ilang taon na niyang ginagamit, ngumiti at nag-wave ang Santo Papa sa isang grupo ng mga tagasuporta na nagtipon sa labas ng ospital.

Ang mukha ng Santo Papa ay mukhang namamaga, at nagtagal lamang siya ng ilang sandali sa balkonahe.

Nagbigay siya ng maikling pasasalamat gamit ang mahina niyang boses sa isang miyembro ng crowd na nagdala ng mga dilaw na bulaklak.

Samantala, ito palang ang unang nasilayan ng mga mananampalatayang Katoliko ng personal ang Santo Papa ngunit kamakailan sa isang litrato na inilabas ng Vatican noong nakaraang linggo makikita siyang nagdarasal sa isang chapel sa ospital.