-- Advertisements --

Pangungunahan ni Pope Francis ang global rosary marathon para matigil na ang COVID-19 pandemic.

Ayon sa Pontifical Council for the Promotion of the New Evangelization na mismo ang Santo Papa ang nagdesisyon na pangunahan ang pagdarasal sa buong buwan ng Mayo.

Sisimulan ng Santo Papa ng pagdarasal ng rosary sa Mayo 1 at ito ay mapapakinggan sa buong mundo.

Makakasama rito ang hindi bababa sa 30 Marian shrines sa buong mundo kung saan bawat araw ay isasagawa ang pagdarasal ng rosary dakong ala-6:00 ng gabi sa Roma o alas-dose ng madaling araw sa Pilipinas.

Ang Santo Papa ang siya ring magsasara ng isang buwang pagdarasal sa pamamagitan ng rosary sa Mayo 31.