-- Advertisements --
Patuloy ang pagbuti ng kalusugan ni Pope Francis matapos na dumanas ng pamamaga ng kaniyang baga noong nakaraang mga linggo.
Sa kaniy ang lingguhang pagharap sa mga tao sa Vatican, sinabi nito na bumuti na ang kaniyang kalusugan.
Nagkakaroon lamang ito aniya sa paghirap ng pagsalita kaya hindi muna ito pinayagan ng mga doktor niya magsalita ng mahaba.
Magugunitang kinansela ng Santo Papa ang kaniyang biyahe sa Dubai noong nakaraang linggo para sana dumalo sa COP28 Climate summit dahil sa naranasang sakit.
Patuloy ang panawagan nito ng pagdarasal sa mga mamamayan ng Israel at Ukraine na dumadaan sa hamon dahil sa nagaganap na giyera doon.