Patuloy na bumubuti ang kalusugan ni Pope Francis ayon sa naging pahayag ng Vatican nitong Huwebes kung saan naging mahimbing umano ang tulog ng Santo Papa.
Noong Lunes ng gabi, inanunsyo ng Vatican na ang prognosis ng Santo Papa ay hindi na ”kritikal,” na nagpapahiwatig ng positibong pag-galing nito.
Ang 88-taong-gulang na Santo Papa ay nasa Gemelli Hospital sa Rome mula pa noong Pebrero 14.
Ilang linggo naring nagpapagaling ang Santo Papa hinggil sa serye ng mga hamon na kinaharap ng nito sa mga nakaraang taon. Noong 2022, kinansela niya ang mga pagbisita sa Africa dahil sa problema sa tuhod, na nagdulot sa kanya ng pangangailangang gumamit ng tungkod o wheelchair.
Noong Marso 2023 naman ay naospital ang Santo Papa sa Roma dahil sa isang respiratory infection, at ilang buwan lang ang nakalipas, sumailalim siya sa operasyon sa tiyan para sa isang hernia.
Kaugnay pa nito nang i-ulat ng Vatican na nahulog si Pope Francis sa kanyang tahanan at bahagyang nasaktan ang kanyang kanang braso.
Samantala noong siya ay 21 taong gulang, inalis ang bahagi ng kanyang baga dahil sa life-threatening pneumonia at tatlong cysts. Madalas niyang i-kwento ang karanasang ito na isa sa mga nag-udyok sa kanya upang sumali sa mga Jesuit.