-- Advertisements --
Patuloy ang pagpapagaling ngayon ni Pope Francis matapos na ito ay dapuan ng trangkaso.
Dahil dito ay hindi na niya binasa ang kaniyang nakahandang mensahe para sa kaniyang lingguhang general audience sa Vatican.
Ang 88-anyos na Santo Papa ay makailang ulit ng dinapuan ng trangkaso sa nagdaang dalawang taon.
Natumba na rin ito ng dalawang beses sa Vatican na nagresulta sa pagka-galos sa kaniyang mukha noong Disyembre at sa kaniyang kamay naman noong Enero.
Kahit na hindi nito binasa ng mensahe ay nananatili naman ito ng isang oras sa misa.