-- Advertisements --

Ibinunyag ngayon ng Vatican na mayroong pneumonia sa magkabilang baga si Pope Francis.

Ayon sa Vatican, na ito ang lumabas sa resulta sa isinagawang chest CT scan ng 88-anyos na Santo Papa.

Dahil dito ay nangangailangan pa ito ng karagdagang gamutan.

Pinawi naman ng Vatican ang pangamba ng marami dahil nananatili umano itong malakas kung saan nakapagbasa at nakapagdasal pa ito.

Patuloy ang paghingi ng Vatican ng dagdag na pagdarasal para sa mabilis na paggaling ng Argentinian Pope.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay dinala ito sa Gemelli Hospital sa Rome dahil bronchitis na nagresulta sa hindi nito pagdalo sa ilang mga kaganapan sa Vatican.