-- Advertisements --
Nananatili pa rin sa pagamutan si Pope Francis matapos na dumanas ng bronchitis.
Ayon sa Vatican na minabuti nilang manatili ang Santo Papa sa Gemelli hospital sa Rome para magpalakas.
Inirereserba nila ang lakas nito dahil sa pagiging abala sa paghahanda sa Jubilee year.
Dagdag pa ng Vatican na nagkaroon ng improvements ang lagay ng kaniyang kalusugan subalit mahalaga na magpahinga muna ito.
Dahil sa hindi ito nakadalo sa lingguhang misa sa Vatican ay nagpadala na lamang ng sulat kung saan ito ay binasa ni Cardinal Jose Tolentino de Mendonca pinsalamatan niya ang mga supporters at nanawagan ito na ipagdasal ang mabilisang paggaling niya.