-- Advertisements --

Binisita ni Pope Francis ang ilang mga preso sa Rome.

Nakasalamuha niya ang ilang mga inmates ng Regina Coeli prison.

Kainusap ng Santo Papa ang mga ito kung saan binigyan pa niya ang mga ito ng Rosary at pocket-sized na gospel.

Sinabi nito na gustong-gusto niya na tuwing Huwebes Santo ay nagtutungo ito sa isang prison facility at hugasan ang mga paa gaya ni Hesus subalit dahil sa karamdaman niya ay hindi na nito nagawa at sa halip ay ipinagdasal na lamang niya ang mga ito.

Umabot ng mahigit isang oras ang ginawang pagbisita ng 88-anyos na Argentinian Pope.

Isinagawa pa rin ng Santo Papa ang nasabing aktibidad kahit na pinayuhan siya ng mga doctor na iwasan ang magtungo sa mga matataong lugar.

Magugunitang mahigit isang buwan na nanatili sa pagamutan ang Santo Papa dahil sa sakit nitong double pneumonia.