-- Advertisements --
Pope Francis vatican
Pope Francis Vatican/ IG image

Nasa 1,500 na mga mahihirap ang binigyan ng pagkain ni Pope Francis sa Vatican.

Kasabay ito ng paggunita ng Roman Catholic Church na World Day of the Poor.

Ilan sa mga inihain dito ay lasagna, chicken mushroom cream, patatas, fruits, kape at ilang matatamis na pagkain.

Ang mga bisita ay dinala sa Vatican ng mga volunteers mula sa charity groups na tumutulong sa kaniya araw-araw.

Noong nakaraang linggo ay itinayo ang mobile clinic sa St. Peter’s Square kung saan ang mga doctors ay nagbigay ng libreng check-up sa mga mahihirap.

Mula pa noong 2016 ay isinasagawa ng Santo Papa ang pagpapakain sa mga mahihirap sa Vatican.