-- Advertisements --

Nagpakita si Pope Francis sa publiko sa St. Peter’s Square sa Vatican nitong Linggo, gamit ang wheelchair sa isang espesyal na Jubilee Mass para sa mga may sakit.

Ito ang kanyang unang paglabas matapos ang dalawang linggong pagpapagaling mula sa isang life-threatening pneumonia na humantong para tumagal ito sa ospital ng limang linggo.

Habang itinutulak patungo sa altar, binati ng Santo Papa ang mga dumalo at nagpasalamat sa kanilang suporta.

‘Good Sunday to everyone,’ pagbati ng Santo Papa sa mga taga subaybay nito.

‘Thank you very much,’ pagpapasalamat pa nito.

Mas malakas na ang kanyang boses kumpara noong Marso 23, nang magbigay siya ng maikling mensahe sa mga tagasuporta pagkatapos ng kanyang paglabas mula sa Gemelli hospital.