-- Advertisements --
Pinangunahan ni Pope Francis ang muling pagsasagawa ng pampublikong misa sa Vatican.
Kasunod ito nang pagluluwag na ng Italy ng kanilang coronavirus restrictions matapos ang dalawang buwan.
Sumailalim nitong Biyernes ang Basilica sa sanitising para matiyak na ito ay malayo sa virus.
May mga nakalagay na karatula na dapat mayroong 1.5 meters ang distansya ng bawawt isa at dapat nakasuot ang mga ito ng face mask at naka-sanitize ang mga kamay.
Sinabi ng Santo Papa na dapat ang mga Italian ay obserbahan ang tinatawag na new norms para maprotektahan ang kalusugan ng bawat isa.