-- Advertisements --
image 22

Pinangunahan ni Pope Francis ang misa sa St Peter’s Square Linggo, habang sinisimulan niya ang mga kaganapan hanggang Easter, isang araw lamang pagkatapos umalis sa ospital dahil sa pagkakaroon ng sakit na bronchitis.

Ang pagkakaospital ng  86-taong gulang na Santo Papa at kahirapan sa paghinga ay nagdulot ng pangamba na baka hindi siya makadalo sa  serye ng mga ritwal na pinakamahalagang linggo sa kalendaryong Kristiyano.

Ngunit nangako si Pope na dadalo siya, at kumaway pa ito sa halos 30,000 katao habang nakasakay siya sa kanyang popemobile sa plaza, na pinalamutian ng mahigit 35,000 halaman at bulaklak.

Ang Linggo ng Palaspas ay minarkahan ang pagdating ni Hesus sa Jerusalem bago ang kanyang pagpapako sa krus.