-- Advertisements --

Pinangunahan ni Pope Francis sa Vatican ang libu-libong mga Catholic bishops sa iba’t-ibang dako ng mundo kaninang madaling araw para sa sabay-sabay na pagdarasal para sa kapayaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Nanguna sa seremonyas ang santo papa sa St. Peter’s Basilica kung saan inialay niya sa mahala na birheng maria ang proteksiyon at kaligatsan ng sangkatauhan lalo na ang Russia at Ukraine.

Kasabay din nila ang mga obispo, cathedral at mga chapel sa iba’t-ibang dako ng mundo para sa kaparehong dasal bilang hudyat ng global church event.

Samantala, agaw pansin naman sa okasyon sa vatican ang pag-imbita sa mga ambassadors ng Ukraine at Russian na nakaupo sa magkahiwalay na lugar.

Sa isang bayan sa Portugal sa Fatima, ang Papal Envoy na si Cardinal Konrad Krajewski, isa sa malapit sa santo papa ang nagdasal din sa mismong lugar kung saan pinaniniwalaan na doon nagpakita ang mahal na birhen sa tatlong mga bata noong taong 1917.

Batay kasi sa kasaysayan ng simbahan ang apparition na nangyari noong July 13, 1917 ay hiniling daw ng Birheng Maria na ang Russia ay magkaroon ng consecration para sa kanya, at kung hindi ay magdudulot ito ng giyera, pagsupil sa simbahan at maraming bansa ang magugunaw.

Ang kahalintulad na consecration ng mundo ay isinagawa na rin ng dating mga santo papa, katulad na lamang noong mga taong, 1942, 1952, 1964, 1981, 1982 at 1984.

Dito naman sa Pilipinas, kabilang sa naging tampok sa Consecration of Ukraine and Russia to the immaculate heart ay pinangunahan nina Jose Cardinal Advincula ng Manila Cathedral, kasama ang Apostolic Nuncio Archbishop Charles Brown at Novaliches Bishop Emeritus Antonio.

Sinamahan din sila ng ilang mga ambassadors ng iba’t-ibang mga bansa at ilang Ukrainian nationals.