-- Advertisements --

Nakipagkita si Pope Francis sa mga miyembro ng medical team sa Vatican.

Dito ay makikitang pinasalamatan ng 88-anyos na Argentinian Pope ang mga medical team dahil sa pagliligtas ng kaniyang buhay.

Nanatili kasi ng mahigit limang linggo ang Santo Papa sa Gemelli hospital sa Rome dahil sa sakit nitong double pneumonia.

Aabot sa 70 na mga doctors at staffers ng Gemelli hospital ang dumalo sa pulong na siyang tumingin sa kalusugan ng Santo Papa sa loob ng 38 araw.

Ito na ang pinakamatagal na nanatili sa pagamutan ang Santo Papa sa loob ng kaniyang 12-taon sa puwesto.

Kahit na nakalabas na sa pagamutan ang Santo Papa ay pinayuhan pa rin ito ng kaniyang doctor na magpahinga muna.

Hindi naman tiyak ng Vatican kung dadalo sa mga aktibidad ng semana ang Santo Papa.