-- Advertisements --

Pinayuhan ni Pope Francis ang mga arsobispo sa US na huwag dalhin sa simbahan ang kanilang paniniwala sa politika.

Kasunod ito nang pahayag ng ilang pari at arsobispo sa US na hindi nila bibigyan ng communion si US President Joe Biden dahil sa pagsuporta nito sa abortion.

Sinabi ng Santo Papa sa mga mamamahayag habang pabalik sa Vatican mula sa pagbisita sa Slovakia na ang abortion ay isang malaking problema sa buong mundo.

Kapag aniya tinanggap ng simbahan na maging legal ito ay nangangahulugan na sinusuportahan nila ang pagpatay.

Dagdag pa ng 84-anyos na Santo Papa na dapat ituring ng mga pari at obispo sa US na isang pastol na hindi nagkokondina at sa halip ay ilapit na lamang ang mga nasabing usapin sa itaas.

Nauna nang sinabi ni Biden na kinokontra niya ang abortion subalit wala itong magagawa dahil lahat ng kaniyang kapartido sa Democrats ay suportado ang “right to choose” na nakasaad sa kanilang 1973 ng Korte Suprema sa US.