-- Advertisements --
Inirekomenda ng doctor ni Pope Francis na manatili muna ito sa pagamutan ng hanggang isang linggo pa.
Ayon kay Professor Sergio Alfieri , na gumanda ng bahagya ang lagay ng kalusugan ng Santo Papa.
Paglilinaw nito na walang anumang nakakabit na makina sa katawan ng Santo Papa.
Dagdag pa niya na paminsan-minsan ay umuupo sa silya sa kuwarto nito at nakikipagbiruan pa.
Payo nito na sakaling pauwiin na ang 88-anyos na Argentinian Pope ay hindi maiwasan na ito magtatrabaho muli na siyan makakasira sa kaniyang paggaling.
Magugunitang noong Pebrereo 14 ng itakbo ang Santo Papa sa Gemelli hospital sa Roma dahil sa bronchitis kung saan lumala ito at naging pneumonia sa magkabilang baga.