Pinayuhan ni Pope Francis si dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na ‘protect the family’.
Pumunta ang dating Senate President sa Vatican noong Hunyo 5, nasa Europa kase si Zubiri para magbakasyon mula sa pulitika at maglaan ng ilang oras kasama ang kanyang pamilya. Ipinakilala ni Zubiri sa Santo Papa ang kaniyang pamilya at tumanggap ng basbas mula sa 87-anyos na pontiff.
Ang kanyang pagpapahinga ay kasunod ng pagkakaalis niya bilang pangulo ng senado kung saan nakakuha ng boto si Zubiri na 15 sa 24 na mga senador.
Sa isang pahayag ngayong Linggo, ibinahagi ni Zubiri ang payo ng Santo Papa sa kanya, matapos niyang ipaliwanag na siya ay “pro-life and pro-family legislator” mula sa Pilipinas.
Sinabi rin ng senador na bagamat bukas sa diskusyon, nananatiling buo ang kanyang paniniwala sa bisa ng kasal.
Aniya pa, nagdasal sila para sa bansa at para sa mga lider na laging magnilay at gumawa ng tama.
Buong puso naman daw siyang tatalima sa kahilingan ng Santo Papa.