-- Advertisements --
Nagiging bingi na ang mundo sa pagdami ng mga mahihirap at kinokondina ang mga yumayaman ng hindi tama habang sinisisi ang mga mahihirap sa kanilang kapalaran.
Ito ang naging pahayag ni Pope Francis sa pagtungo niya sa Assis, Italy.
Nakatakda kasing pulungin ng Santo Papa ang nasa 500 mahihirap na katao kasunod ng paggunita ng World Day of the Poor sa araw ng Linggo.
Sinabi pa nito na ang nakakalungkot na mayroong ibang tao ang nagsasabing na walang dapat ibang sisihin sa mga naghihirap kung hindi ang kanilang sarili din.
Magugunitang mula ng maupo ang Santo Papa noong 2013 ay naging tagapagtanggol na ito ng mga mahihirap.