-- Advertisements --
Nakikita ni Pope Francis na isang simbolo ng pag-asa ngayong panahon ng pandemiya ang kasalukuyang nagaganap na Tokyo Olympics.
Isinagawa nito ang pahayag pagkatapos ng lingguhang Angelus prayer sa Vatican.
Ayon pa sa Santo Papa na magsilbi sana itong bilang simbolo ng pagkakapatiran at ang pagkakaroon ng malusog na kumpetisyon.
Ipinagdasal din nito ang mga organizers at mga atleta na lumahok na siyang magdadala ng pagkakaisa.