Pinuri rin ni Pope Francis ang ginawang pakikipagpulong ni US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un.
Umaasa ang Santo Papa na ang nasabing pulong ay sana magdala ng kapayapaan sa buong mundo.
Sa kaniyang talumpati sa St. Peter’s Square, sinabi nito na ang pagkikita ng dalawa sa ikatlong pagkakataon ay hindi lamang sa Korean Peninsula magdala ng kapayapaan at sa halip ay sa buong mundo.
Plano rin ng Santo Papa magtungo sa North Korea dahil na rin sa imbitasyon ng North Korean leader.
Magugunitang gumawa ng kasaysayan si Trump matapos na ituring bilang kauna-unahang sitting president na dumalaw sa Demilitarized Zone (DMZ) at makipag-usap kay Kim.
Ilan sa mga napag-usapan ay ang pagbuhay sa negosasyon sa usapin ng denuclearization.
Ilang mga US presidents ang bumisita na rin sa DMZ pero wala pa sa kanila ang umapak sa lupain ng North Korea at tanging nagawa lamang ito ni Trump.
Mula sa Military Demarcation Line, naglakad ng 20 steps si Trump pagkatapos isinagawa muli nila ang handshake ni Kim.
Ang yumaong si Ronald Reagan ang first US president na tumungo ng DMZ noong November 1983.
Si Bill Clinton, na dating tinawag ang DMZ bilang “the scariest place on Earth,” ay umeksena rin noong July 1993, apat na buwan matapos na umtras ang North Korea sa Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons.
Noong February 2002, pagkakataon naman ni US President George W. Bush na magpakuha rin ng larawan sa border makaraang bansagan niya ang North Korea na bahagi ng “axis of evil.”
Si US President Barack Obama ay tinungo naman ang DMZ noong March 2012.