-- Advertisements --

Posibleng makalabas na sa pagamutan anumang araw si Pope Francis.

Ayon kay Vatican spokesperson Matteo Bruni na patuloy ang paggaling ng 84-anyos na Santo Papa at ito ay pinayagan na ng mga doktor na makabalik sa Vatican.

Noong Hulyo 4 nang dinala sa Gemelli hospital sa Roma ang Santo Papa matapos na dumanas ng uri ng diverticulitis at operasyon sa kaniyang large colon.

Noong nakaraang mga araw din ay nakaranas ito ng pananakit sa dibdib at tiyan subalit negatibo naman ito anumang impeksyon.