VATICAN CITY — Hinimok ni Pope Francis ang publiko sa isang Easter vigil na iwasan ang pangungutya sa kapwa at ang paghangad lamang sa mga materyal na bagay.
“Sin seduces; it promises things easy and quick, prosperity and success, but leaves behind only solitude and death,†ani Pope Francis.
Sa halip na maghangad ng mga material na bagay sa mundo, hinimok ng Santo Papa ang mga mananampalataya na dapat mas gustuhin na tanggapin si Hesus araw-araw.
Ipinaalala rin nito na huwag mawalan ng pag-asa lalo na kung nakakaranas ng matinding hirap o pagsubok sa buhay.
Dapat palagi aniya tandaan na ang Diyos ay parating nariyan upang tulungan ang sinumang nakakaranas ng pasakit at paghihirap.
“God takes away even the hardest stones against which our hopes and expectations crash: death, sin, fear, worldliness. Human history does not end before a tombstone because today it encounters the ‘living stone’ (cf. 1 Pet 2:4), the risen Jesus,” paalala ni Pope Francis.