Todo ngayon ang panawagan ni Pope Francis sa lahat ng mga Kristiyano sa buong mundo na ipagdasal at magsagawa ng fasting para hilingin sa Poong Maykapal na magkaroon ng kapayapaan at coexistence sa Afghanistan.
Ginawa ng Santo Papa ang panawagan sa harap ng mga pilgrims at tourists sa St. Peter’s Square na bahagi ng kanyang weekly blessing.
Ayon kay Pope Francis, tinututukan din daw nito ang mga kaganapan sa Afghanistan at labis itong nag-aalala.
Nagpaabot naman ito ng pakikidalamhati sa mga namatayan matapos ang madulong suicide bombing sa labas ng Kabul International airport noong Huwebes.
Hiniling din ng Santo Papa sa lahat na patuloy na tulungan ang mga nangangailangan doon at ipagdasal din na maging matagumpay ang mga pag-uusap ng mga lider para magkaroon ng kapayapaan sa naturang bansa.
“I ask all to continue to help those in need and to pray so that dialogue and solidarity can bring about a peaceful and fraternal coexistence that offers hope for the future of the country. As Christians, this situation commits us. And because of this I appeal to everyone to intensify prayer and carry out fasting, prayer and fasting, prayer and penitence. Now is the time to do it,” ani Pope Francis.
Kung maalala 13 American troops ang namatay sa suicide bombing at daan-daan pang iba ang namatay sa nangyaring insidente.